Sunday, February 3, 2008

serendipity..

posted by inche_edsel (Jun 26, 2004 @ 8:52 AM) views: 4210
source: tristancafe.com

Guys started courting me since I was in grade 6, I guess I’m really gifted with good looks and I’m so thankful for it. I’m 25 and I’ve had more or less 20 flings and 3 serious relationships. I was too young when I entered one and played around at love. Nasaktan na rin naman ako. My first serious relationship lasted more than 2 years. Let me tell you briefly how it happened. I met him at my friend’s debut party in one of the prestigious hotels in manila. Kaya lang that time, may bf ako..may gf din sya. His friends started dating my friends..kaya tuwing umaalis kaming lahat, kami ung lagging magka-partner. Hanggang san a-fall na kami sa isa’t-isa. I broke up with my boyfriend (fling ko lang naman yun) and he broke up with his gf for 3 years. Hindi nagging madali ang lahat, kasi binabalik-balikan sya ng EX nya, worst – yun ang gusto ng parents nya para sa kanya. I gave him up eventually after 2 years, kc sobrang daming hindrance at di sang ayon sa aming dalawa. After him, I met this guy in a relay chat. Oo, dumaan din ako sa pagcha-chat! Noong una, nagkakatuwaan lang kaming magkwentuhan sa isang channel hanggang sa naisipan naming magkita ng personal. Hindi naman sya kagwapuhan pero dahil nagging palagay ang loob ko, nagging “kami” na rin in an instant. Pero may gf sya that time, ako single. 2 years n rin sila ng gf nya nun..iniwan nya para sa akin..akala ko sya na yung lalaking gusto kong maging kasama habang buhay. Mabait sya, maasikaso, malambing at higit sa lahat – close na sya sa pamilya ko. Nag-resign ako sa first job ko, then ditto sa 2nd job, na-meet ko si Joel. Hated-sundo ako ng bf ko sa office, naipakilala ko na rin sya kay Joel at sa iba ko pang nagging friends doon. Mabait si Joel, komedyante, lagi nya akong pinapatawa.


Naging madalas kaming magkasama sa office, kung hindi naman kami magkasama e nag-uusap naman kami sa yahoo messenger. Masarap syang kasama, kung minsan nga hindi na ko nagpapasundo sa bf ko para lang magkasabay kami ni Joel sa pag-uwi. May gf sya, 10 years na sila ng gf nya. Oo, sampung taon..hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong nai-inlove sa mga committed na tao. To make the long story short, as usual, na-inlove nga kami sa isa’t-isa. I broke up with my bf and he broke up with his gf. Naisip ko, pano ko nakuhang saktan yung taong minsan nang iniwan ang gf para sa akin. Ngayon, eto nanaman ako. Mangaagaw – yan ang pwedeng itawag saken. Pero hindi ko hawak ang puso ko, kasalanan ko bang mahalin si Joel at mahalin din nya ako?


We’re happy and contented with our lives now..6 months na kami. But there are still instances that I feel insecure..feeling ko, anytime pwede syang bawiin ng EX GF nya.. 10 yrs is still 10 yrs..he had her almost half of his life. And daming adjustments sa part ko. Feeling ko minsan nakikipag-kumpetensya ako dun sa EX nya. Ang hirap! Pero infairness, pinapakita naman nya saken na ako na talaga ang mahal nya ngayon. Gusto nga ng parents nya magpakasal na kami next year..natutuwa naman ako dahil tanggap ako ng pamilya nya.
We took the risk of falling in love again..akalain mong iwanan nya yung gf nya para saken e hindi pa nya ko masyadong kakilala. Pero alam nyo, there are lots of instances that we could have met in the past.


Iisa lang ang school na pinasukan naming nung nursery kami, kaya lang pang-umaga sya, ako naman pang-hapon. Nung grade school naman, mgkatapat lang ang school naming kaya lang nung grade 5 sya e lumipat sya sa ibang school. Yung classmate nya dun, barkada ko na ngayon. Sa katunayan, yung bestfriend nya noon e bestfriend ng EX BF ko. Kaya one time, sinama ko sya sa birthday ng bestfriend ko (guy)..at parang reunion dahil after so many years, ngayon lang sila nagkita ulit!


One time, may family gathering sila, sinama nya ako..laking gulat ko ng makita ko ang tita nya (kapatid ngt dad nya), officemate sya ng tita ko (sister naman ng mom ko)..at nagulat din sya dahil kilala nya ako, kumare nya pala ang mommy ko, ninang sya ng pinsan ko..small world..


6mos lang ako dun sa 2nd job ko..nag-resign ako agad dahil bawal ang relationship among employees. Naisip ko tuloy, cguro sabi ni GOD panahon na para magkakilala kami ni Joel, kaya dun nya ako binigyan ng trabahong panandalian. Minsan nga naisip naming, siguro maraming beses na kaming nagkasalubong sa daan, siguro nagkasabay na rin kaming magsimba pag lingo, nagkasabay na mamasyal sa ibang lugar. After 20yrs, sa wakes, nagkakilala rin kami.


Mang-aagaw pa rin ba ang tawag nyo sa akin? I really think it’s God will. It also takes a lot of guts..a lot of risks..a lot of patience para makilala nyo yung taong para sa inyo talaga… now I believe in destiny..in fate..kung kayo talaga ang nakatakda para sa isa’t-isa, kahit ilang bf o g fang dumaan sa buhay nyo, sa kanya pa rin kayo babagsak…


SERENDIPITY…

No comments: